Ano bang ibig sabihin ng mga salitang nabanggit.. Ito po ang mga sikat ng card games sa Filipinas. Pues hindi lang sa ating bansa kundi maski sa mga ibang bansa na may mga Filipinog naninirahan. Pero para maintidihan ng lahat, isa-isahin nating tatalakayin ang mga ito.
PUSOY– ang larong ito ay kilala rin sa pangalang CHIKICHA o filipino poker. Ang cards ng Pusoy ay ang standard na 52 cards. Ang larong ito ay madaling matutunan. Ang mga panununtunan ay hindi naman kumplikado dahil kagaya nga nang nasabi natin, ito ay parang larung Poker. Ang dapat mangyari para manalo ay mag-karuon ang player ng magandang kumbinasyon ng baraha. Bawat isang mang-lalaro ay binibigyan ng labing-tatlong baraha. Para manalo, ang mga baraha ay dapat mag-katugma-tugma. Parang poker, ganito ang mga kumbinasyon ng mga cards:
-
Royal flush (ten to ace with the same suits)
-
Straight flush (any straight cards with the same suit)
-
Four of a kind (plus an additional card/a Kicker)
-
Full House (any three cards of the same number with any two cards of the same number)
-
Flush (same suit)
-
Straight (any straight cards)
-
Three Kings (remaining two cards do not play)
Single card: Cards rank from 2 (highest) to 3 (lowest). Between cards of the same rank, the higher suit beats the lower suit. That is, a 5♦ beats a 5♥.
Pair: A pair of equally ranked cards. Between pairs of the same rank, the pair with the higher suit wins. That is, a 7♠-7♦ beats a 7♥-7♣.
Three of a kind: Three equally ranked cards. This is a variation of game play and may be excluded or included as a valid card combination.
Five-card hand: Any five-card combination following the poker hand rankings. From highest to lowest, valid poker hands include:
Para maging maliwanag po sa inyo, ang videong kasunod ay nag-papaliwanag kung papaano mag-laro ng Pusoy. At ang kasunod ay isang aktual na laro ng Pusoy.
TONG-ITS –
Ang Tong-its o Tongits ay para lamang sa tatlong manlalaro, at ito ay isang klase ng Rummy na sumikat sa Filipinas nuong mga 1990’s na nag-simula sa Luzon, na alam natin ang pinakamalaking isla ng Filipinas.
Ang susunod na video ay isang “tournament” ng Tong-Its na ginanap sa Ozamiz City. Panuorin.
Ang larong ito ay gumagamit din ng standard deck na 52 card. Hindi lang po nating alam kung saan nanggaling ang larong ito, pero ang mga panuntunan at ang pangalan ay maaaring nanggaling sa isang larong Americano na ang pangalan ay Tonk. Ang Tong-Its ay may kapareho din sa Mahjong.
PEKWA –
Ang Pekwa naman ay isang laro na nanggaling sa isang Chinese game na ang pangalan eh Fan Tan na kilala rin sa pangalang Sevens o Domino pero sa Inglatera, ang tawag dito pa-minsan minsan ay Parliament at gumagamit din ng standard 52 cards at maaaring mag-laro mula tatlo hanggang walong tao. Ang pag-deal ng baraha ay sunod sa ikot ng relo. Ang video na kasunod ay tungkol sa Sevens, na kaparehong game ng Pekwa.
LUCKY 9 –
Ang Lucky 9 naman ay pareho sa Baccarat card game. Ito po ay simpleng laro ng Baccarat. Maaari nyong panoorin ang video na kasunod at alamin kung papaano ilaro ang card game na ito.
Marami pa pong card games na nahihilig ang mga Filipino at isa dyan ay ang Solitaire, Sotang Bastos, at marami pang iba na hindi na natin masasabi dito. Pero para sa kina-alaman ng marami ang cultura ng Filipino sa larong baraha, lalung-lalo na yung mga napamana sa atin ng mga Español ay nawawala na. Isa na rito yung Sotang Bastos kung tawagin sa Filipinas. Para sa usaping ito, iminumungkahi kong bisitahin ninyo ang paginang ito.
https://libertadfilipinas.wordpress.com/2014/12/19/lost-filipino-culture-playing-cards-ii/
Kung meron kayong gustong idagdag, ay huwag kayong mag-atubiling sumulat sa blog na ito ipa-alam ninyo kung ano man maaari nating idagdag o itama, at taos puso naming kayong pasasalamatan at
There you have it. Just a word of caution. This article is not meant to propagate gambling thru these card games. These card games are parts of Filipino culture, and are meant to be played during their leisure time specially those who are abroad and are far away from their loved ones. Filipinos in foreign countries find playing a card game as means to distress and unwind from the demands of the job they do, with special mention to those who are indulged in home service, those working in restaurants, and the like.
So thank you for taking some time to read this article and thanks in anticipation of your comments. Credit to the video makers without whose video work this article would have not been made possible.
Advertisements